Bakit ko kailangan ng privacy?
Lahat tayo ay may tinatago. Bakit natin sinasarado ang kurtina o kinakandado ang pinto? Karapatang pantao ang privacy, at hindi ito narerespeto sa kasalukuyang panahon ng surveillance capitalism. I-click niyo ang link sa baba para mabasa niyo ang aming mga artikulo tungkol dito at sa iba pang paksa.
Paano ko ma-protekta ang aking datos?
Kailangan mo ng plano kung paano mo pwedeng i-protekta ang iyong datos. Sa pagpaplano na ito, kailangan mong ilista at intindihin kung ano ang mga panganib na tinitignan mo. Ang tawag dito ay threat modeling. I-click niyo ang link sa baba para makita ang aming infographic na nagpapaliwanag kung paano magthreat-model.
Bakit 'Ang Bagong Ginto'?
Sa modelo ng surveillance capitalism, ang datos natin ay ginagawang instrumento ng kalakal. Mahalaga ito para sa mga kumpanya dahil ito ay ang instrumento sa pag-impluwensiya at pag-predict ng mga aksyon ng mga tao. Ginawa namin ang website na ito para magpakalat ng awareness tungkol sa surveillance capitalism. Hinihikayat namin na basahin ninyo ang aming mga artikulo o tingnan ang aming infographics. Pwede niyo rin bisitahin ang ibang mga adbokasiya para sa ating digital rights kagaya ng EFF o ng FMA.